Monday, January 24, 2011

Sis-sis-ki: Isang Larong Malapitan

     Napakagulo ngunit napakasaya ng larong ito. Sa larong ito, may mga grupo pa rin tulad sa naunang laro. nakalinya muli ang mga manlalaro at nakaharap sa kalabang grupo. Mas maliit na nga lang pagitan ng dalawang grupo. Ang tunay na ginagawa sa larong ito ay huhulihin ang ankle ng kalaban at hihilahin ito papunta sa base nila. Dahil sa napaka-brutal nito, binago agad ang laro. Kailangan na lamang hawakan ang ankle ng kalaban upang makapuntos ang manlalaro at paramihan na lang ng puntos ang mga grupo.Sa pangalawang pagbabago o variation, pwede ng umiwas ang mga manalalaro sa pamamagitan ng pag-angat ng paa mula sa lupa. Hindi siya pwdeng tayain hangga't wala sa lupa ang paa. Ang isa pang pagbabago ay pwede ng hulihin ang ankle ng katabi ng ng kalabang nasa harap ng manlalaro.

     Napakamaaksyon ng larong ito. Kapag may pagkakataon, kailangan hawakan mo agad o mahipo ang ankle ng kalaban mo. Talagang gamitin din ito ng utak. Kailangan may taktika ka upang makapuntos. Dahil sa larong ito, nadumihan ako. Kasi noong nagka-variation na, sinubukan kong itago yung ankle ko sa pamamagitan ng pag-angat sa mga ito ngunit nabigo lang ako kasi pinagtulungang ilapag ang paa ko ng mga kalaban. Wala na akong magawa kasi ang daming kamay na pumigil sa paa ko. Tapos yung mga kasama ko, wala na ring nagawa kaya hinawakan na lang nila ng maraming beses ang mga ankle ng kalaban. Hahaha! Buti na lamang nakapuntos pa rin ako. Grabe nadumihan talaga ako doon. Hahaha! Nakita ko yung mga kaklase ko na bigay todo sa paglalaro. Napansin ko na ang mga lalaki ay sobrang competitive. Ang mga babae naman ay halos nagtitinganan at naghihintayan. Siguro mas ginagamit nila ang mga isip nila kaysa sa amin. Hahaha!

     Pagkatapos ng laro, nagbilangan na ng puntos. Panalo kami sa unang pagkakataon ngunit talo naman noong sumunod. Wala akong masyadong napansing manalalaro maliban sa kalabang nasa harap ko. Ang ngalan niya ay Derek. Grabe talga noong hinila niya yung paa ko. Hindi na ako nakapalag kasi maraming kamay bigla yung sumunod. Hahaha! Muli wala akong nalarong ganito noong bata pa ako. Hindi kami masyadong mahilig sa pisikalan.

     Kung bibigyan ako ng pagkakataong baguhin ang laro, para makapuntos kailangan mahawakan mo ang ankle ng kalaban sa loob ng tatlong segundo. At isa ko pang naisip na pagbabago ay dapat dalawang kamay ang nakadikit o nakahawak sa ankle. O diba ang hirap noon, pero siguradong masaya. Hahaha!

    Napakabrutal talaga ng laro at sumakit ang ankle at likod ko doon kasi nakahiga na lang ako sa sahig noong pinagtulungan ako. Dahil dito, bibigyan ko ito ng award na Pinakamasakit-sa-Ankle Award.

No comments:

Post a Comment