Tulad ng larong bago nito, kilala rin ito ng lahat pati na rin ng mga tao sa ibang bansa. Ito kasi yung larong dodgeball sa Ingles. Tulad ng nakasanayang mga patakaran, ang larong ito ay binubuo muli ng dalawang grupo. Isang grupo ang mamamato ng bola (ngunit ginawa na lang itong medyas na may mga panyo sa loob ni Ma'am) at ang isang grupo naman ay iiwas. Kapag natamaan ang isang manlalaro, out na siya o tanggal na sa kasalukyang laro. Pero pwede sila ulit buhayin sa pamamagitan ng pagsalo ng bola ng mga natitirang manlalaro.
Naging maaksyon ang paglalaro namin. Kahit minsan natatagalan sa pagpulot ng bola, mabilis pa rin ang pagbato. Nakakatawa yung mga tiliin ng mga kaklase ko.Napakasaya kapag grupo mo yung taya pero kapag kayo yung babato, medyo boring na. Habang patagal ng patagal nadadagdagan yung bola pero nagkakaroon din ng taktika ang mga manlalaro. Medyo matagal din kaming naglaro.Tatlo o apat na beses pa ata namin itong nilaro. Tuwang- tuwa kasi kami. Hahaha! Grabe talaga yung mga tiliin habang umiiwas. Tapos noong umiiwas din paunti-unting nagpuntahan sa hagdan yung iba. Nakakatawa din yung iba't ibang klase ng pag-iwas at pagsalo sa bola. May tumatalon, may lumuluhod, at mayroon ding di sinasadyang makasalo. Hahaha! Nakakatawa rin yung ibang natamaan na. Nagiging double dead sila kasi natatamaan ulit sila. Hahaha!
Ang kinalabasan ng laro ay karamihan sa laro ay panalo ng aming grupo. Kasi magagaling kami hindi lang sa pag-iwas pati sa tilian. Hahaha! Kapansin-pansin talaga yung kagalingan sa pagsalo ng bola ni James. Mas marami siyang nasalong bola kaysa sa akin. Dahil din sa pagkakasalo ng maraming beses sa bola, Nagkaroon kami ng extra lives. Ano to? Mario? Hahaha! Pagkaabot sa one extra life left, nadadagdagan ulit. Umabot pa nga ng sampu. Hahaha!
Kapag binigyan ako ng pagkakataong baguhin ang laro, gagawin kong iba-iba yung bola para may thrill na konti sa pagsalo.Tapos dapat dalawang beses masasalo yung bola para makapagligtas ng iisang kakampi.
Madalas din namin itong nilalaro ng mga kaibigan ko noong mga bata pa kami. Iba-ibang klase ng bola yung ginamit namin. Mula sa bola ng basketbol hanggang sa jolen. Hahaha! Naalala ko tuloy yung sakit kapag natamaan ka ng jolen. Hahaha!
Dahil sa medyo masakit sa binti ang larong ito, ang award na ibibigay ko dito ay Pinakamasakit-sa-Binti Award. Kahit hindi masyadong masakit yung akin. Mukhang nasakitan naman yung iba kasi nahihirapan na silang umilag. O sadyang tinatamad na sila. Hahahaha!
ano ang twag sa miyembrong tinamaan ng bola o nataya?
ReplyDelete