Monday, January 24, 2011

Bihagan: Isang Larong Mapisikal

     Ang larong ito isang larong panggrupo at nangangailangan din ng isang malaking lugar para paglaruan. Sa larong ito, may dalawang grupo. Nakalinya ang mga miyembro ng bawat grupo habang nakaharap sa mga miyembro ng kalabang grupo. Ang mga nasabing miyembro ay nasa kanya-kanya nilang mga teritoryo/territory lines.Sa mga likod ng grupo ay ang prisoners' area at sa gitna naman nila ay ang netral area.Sa neutral area maghihilahan ang mga grupo. Maghihilahan sila hanggang madala nila ang kalaban sa teritoryo nila. Ang mga bihag ay pwedeng iligtas sa pamamagitan ng pag-tag sa kanila ng kagrupo nila. Isang napakalaking risk ang pagligtas sa isang bihag dahil dadaan muna ang isang manlalaro sa teritoryo ng kalaban bago mailigtas ang bihag.Sa dulo ng laro, paramihan sila ng mga bihag. Maituturing itong mock war game kasi halos magtititigan lang ang mga manlalaro kung walang aaksyon at maghihilahan.

     Sa larong ito, napagod ako ng husto dahil lagi akong hinihila ng mga kalaban. Katapat ko ay isang medyo malaki ang katawan na lalaki. Malakas siya manghila. Nahirapan akong pumiglas kasi madulas ang mga braso niya. Hahaha! At isa pa ay puro babae mga kasama ko kaya medyo nahirapan silang hilahin ako pabalik ng aming teritoryo. At dahil dito, naging bihag agad ako. Habang bihag ako, pinagmasdan ko ang aking mga kaklase. Nakakatawa silang tingnan kasi nagtititigan lang sila. Tapos noong may hilahan na, todo bigay sila sa paghatak. Buti na lamang at iniligtas ako ni Ma'am Grecia (oo minsan sumasali si Ma'am sa laro namin kaya lalong sumasaya). Kagad naman akong nakabalik ng teritoryo. Natawa naman ako kasi noong niligtas ako ni Ma'am ay nakatingin lang yung mga kalaban, akala nila parang wala lang. Hahaha! Sa dulo ng laro ay nagbilangan ng bihag. Natalo kami dito(kung tama ang pagkakaalala ko. hahaha!) sa pangalawang round pero sa unang laro ay nanalo kami. Ay! Naalala ko pa na nakasira ako ng bracelet ng kakampi kong babae. 

     Pagkatapos ng laro, pagod na pagod talaga ako at pakiramdam ko, bali na ang braso ko. Haha! Sa kabuuan, napakasaya ng larong ito lalo na't marami kaming naglaro. Sa mga naglaro, kapansin-pansin talaga yung lalaking nanghila sa akin, si Louville (pasensya kung mali spelling). Ang lakas niya sa ang hirap niyang hilahin. Baka dahil sa marami ng pawis braso niya. Haha joke lang! Hindi ko pa ito nalaro noong bata pa ako kaya isang bagong kaalaman at karanasan ito sa akin.

     Kung bibigyan ako ng pagkakataong baguhin ang laro, bibigyan ko ng pagkakataon ang mga bihag na iligtas ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagtakbo papunta sa teritoryo nila pero (eto na yung twist) dapat patalon sila papunta doon. Hahaha! At isa pa ay kung tutulong ka sa paghila, sa isang rbaso lamang ng iyong kakampi pwede kang humawak para maging mas mahirap.

     Dahil sa mga nangyari sa larong ito, ang larong ito ay bibigyan ko ng award na tinatawag na ang Pinakamasakit-sa-Braso Award. Totoo namang napakasakit sa braso ng larong ito kaya bagay na bagay ang award. Hahaha! Ang saya talaga ng larong ito.

No comments:

Post a Comment