Ang larong ito ay siguradong kilalang-kilala ng lahat. Muli, panggrupo ang larong ito.Nakapwesto ang mga manlalaro sa kanya-kanya nilang base. Kapag nagtangka ang isang manlalaro na mantay at lumayo siya ng base, matataya lang siya ng kalabang sumunod na lumabas sa kanya. Kaya kadalasang ginagawa dito ay may pain at pagkatapos may mga reinforcements (Hahaha!) na susunod. Kapag nataya ang isang manalalaro ng kalaban, pupunta siya sa base ng kalaban at kapag marami na sila, pwede silang gumawa ng linya para mas madali silang iligtas ng kakampi nila. Makakapuntos lamang ang isang grupo kapag mas marami silang bihag o kaya kapag nakapunta sila sa base ng kalaban. Sa larong ito, kailangan din ng ng mga plano. Kapag walang umaksyon sa mga grupo at nagtitigan lamang, walang mangyayari kaya msasabing mock war game din ito.
Sa ginawa naming paglalaro, hindi naging masyadong maaksyon noong simula. Madaya nga yung kabilang grupo kasi kami lagi yung nagpapapain tapos sila ay naghihintay lang. Kung baga, sa kanila yung mock amin naman yung war. Hahahaha! Lugi pa nga kami sa base kasi halaman yung sa kanila tapos sila pa yung mag-a-assign kung ano yung base nila. Ang daya talaga! Ang tagal talaga noong laro. Halos nagtitigan lang kami at nag-mock ng nag-mock. Nagulat na lang kami noong may isang kalabang nakapunta ng patago sa base namin. Hindi napansin noong mga kasama ko pagkatapos akong mataya. Habang bihag ako ng mga kalaban, mas napansin ko na talagang nagtititigan lang yung mga kaklase ko. Seryoso pa nga yung mga mukha nila. Hahaha! Noong pangalawang round nagkaroon kami ng plano na sabay-sabay sumugod pero nabigo naman kami kasi wala ni isang nakahawak sa baseng kalaban. Hahaha! Ang daya kasi naghintay lang sila ng naghintay.
Sa huli, talo kami sa parehas na pagkakataon. Ang daya kasi talaga! Talagang pinilit no? Hahaha! Dahil sa nagulat kami sa pagkakaagaw sa base namin, si Neshi ang masasabing pinakamagaling na manlalaro. Naging ninja siya sa larong ito.
Dahil nga sa ramdam na ramdam ko na luging-lugi kami (bitter pa rin. Hahaha!), naisip kong pagbabago sa laro ay dapat may bilingan na. Dapat nasa labas ng base ang mga manlalaro maliban sa isa. Bawal ng tumambay sa base. Dapat paikut-ikot na sila ng playing area. At isa pa, dapat mas malapit na yung mga base.
Noong bata ako, madalas namin itong laruin ng mga kaibigan ko. Ito kasi yung pinakapaborito naming laro. Isang buong bloke ang layo ng mga base namin. Hahaha! Naalala ko pa na umiikot pa kami sa lugar namin para lamang agawin yung base ng kalaban mula sa likod. Isa pa naming taktika ay humawak ng mga dahon o sangang putol na at gamiting pang-camouflage. Hahaha! Grabe talaga. Naisip ko tuloy na mukha kaming mga tanga noon. Pero tuwang-tuwa naman kami. Grabe yung tawanan namin pagkatapos ng bawat laro.
Bunga ng mga naranasan ko sa larong ito, naisip kong award dito ay Pinakamasakit-sa-Damdamin Award. Hahahaha! Hanggang ngayon nadadayaan pa rin ako.
hi
ReplyDeletethank you