Thursday, March 17, 2011

P-Noy's Assassins: Isang Larong Hindi Papayagan ng PSG Na Mangyari Sa Tunay Na Buhay

     Kakaiba itong larong ito. Talagang kitang-kita ang pinagbasehan nito. Tulad ng sinasabi ng panglan ng laro. Ang goal dito ay patayin si P-Noy este tamaan ng bola yung napiling pangulo. May dalawang grupo. Isang grupo ay ang grupo ng pangulo at ang kanyang Presidential Security Group o PSG samanatalng ang isa pang grupo ay binubuo ng mga rebelde na pwede na ring sabihing New People's Army o NPA. Ang playing area ay isang bilog na may bilog pa sa gitna. Ang pangulo ay nasa gitna ng pangalwang bilog na pinapalibutan ng apat na PSG at sa labas na bilog ay nakapwesto rin ang ibang mga PSG. Nasa gitna ng dalwang bilog ang mga rebelde. Kaya mukhang donut ang playing area na may ma sprinkles, nuts at chocolate toppings.

     Para sa akin napaka-fresh ng larong ito. Kakaiba kasi. Kahit may mga kaparehas siyang laro, ramdam ko pa rin ang kaibahan niya. Siguro dahil sa donut. Hahaha! Ang sayan umiwas ng mga mabibilis na bola at mambato ng mga bola. Pero syempre hindi naman ganoon kalakas. Pansin ko yung mga ngiti sa mga labi ng kaklase ko. May mararamdaman kang riot pero masya siyang klase ng riot. Parang party riot. Hahaha! Ayun, maraming natamaan ng bola at marami ring nasarapan sa pagbato ng mga bola. Natapos naman ang laro na wala masyadong aberya.

     Unang beses ko itong gagawin. Gagawaran ko ng titulong MVP ang aking sarili. Hahaha! Napaks-self-assuming ko. Hahaha! Ito ay dahil marami akong natatanggal na kalaban at natatamaang pangulo. Pero hindi ko naman sinasadya talagang matamaan sa ulo yung ibang manlalaro lalo na si Francis. Nag-enjoy lang talaga ako. Pasensya na. Hahahaha!

     Kung may babaguhin man ako sa laro, gusto ko lamang palitan yung bola ng iba't ibang klase. May maliit, may malaki, may malambot, may magaan, at iba pa. Para magkaroon ng dagdag na  thrill.

     Ang igagawad kong titulo sa larong ito ay Walang-Masyadong-Gustong-Maging-Taya-Kaya-Laging-Si-Ma'am-Ang-Taya-Sa-Paglaro Award. Ito na ang masasabi kong pinaka-epic na titulo. At totoo naman siya kasi sa grupo namin si Ma'am lagi ang sinasabi naming maging taya. Hahahaha! Kaya ayun protektado si Ma'am ng mga bulilit. Kasama na ako doon! Hahaha!

Sambunot: Isang Larong Hindi Masaya Kapag Hindi Ikaw Ang Napiling Kumuha

     Ang larong ito ay kilala ngunit hindi ng nakakarami. Masasabing ito ang pinakabrutal na laro sa kasaysayan ng Philippine Games kasi agawan ito ng bunot pero hindi ng buko! May dalawang grupo na parehas ang bilang at may i-a-assign na bilang sa bawat miyembro. Nakaharap ang dalwang grupo sa isa't isa at magkakatabi ang mga magkakagrupo. Kapag natawag ang bilang, kailangang magpaunahang madala ang bunot pabalik ng sariling mga bases.

     Grabe talaga ang pagkabrutal ng larong ito. Lalo na kapag maraming bilang ang tinawag. Magugulat ka na lang na may walo o higit pang mga taong nag-aagawan sa bunot. Para sa bunot lang! Hindi ko nga inakala na mas magiging intense yung pag-aagawan ng mga babae kaysa sa lalake. Nung nagkaroon naman ng variation, nagmukhang basketball game yung sa mga lalaki kasi kapag nakuha ng ng isang manlalaro ang bunot hini na ito pwedeng makuha pa ng kabilang grupo kung hawak ito ng nasabing manalalaro. Pwede lamang maagaw ang bunot kapag nasa ere ito. Kahit sobrang brutal at intense yung laro, masaya pa rin!

     Sa mga manlalaro, kapnsin-pansin si Justin. Lalo na ng variation na. Parang nag-babasketbol lang siya. Hahahaha! Yun nga lang walang dribble at ring. Hahaha!

     Kung may pagkakataon akong baguhin yung laro, gagawin kong tatlongb unot na phlos aprehas ang mga hitsura. Tapos isa sa mga ito ay may papel sa ilalim na magsasabing ito ang tunay na bunot. Magiging mahirap ito kasi baka biglang maagawan sila sa bunot na walang puntos at tapos yung tunay na bunot ay tumalsik na sa labas ng playing area. Hahahaha!

     Karapat-dapat bigyan ng titulong Walang-Takas-Sa-Pagkasira-Ang-Bunot-Sa-Paglaro Award. Akala ko nga mahahati sa dalawa yung bunot. Haha!

Gusto Ko Malaman: Isang Larong Hindi Talaga Malaman Kapag Literal na Binasa

     Ta~da~da~dan~! Ito ang invented game namin nina Ronmark, Trixie, Justin, at James. Syempre proud ako dito! Ang yabang no? Hahaha! Pero hindi talaga ito yung na pangalan, ang tunay na pangalan ng laro ay "Tinimbang Ngunit Kulang Pero Dahil Kulang Hindi Kita Hahabulin". Parang teleserye lang! Hahaha! Originally at  initially, si Ronmark ang nakaisip ng laro. Pagkatapos kami nagdagdag ng mga palabok sa laro. (Hmmm~, walang kalamansi? Haha!) Kahit na hindi ako nakapaglaro nito, masasabi kong gusto ko pa rin ito kasi kitang-kita ko yung mga ngiti at tawa ng mga kaklase ko. Ang mechanics ay may dalawang bilog at may linya pahalang nagdidikit sa kanila. Sa una ang mga manlalaro ay nasa pahalang na linya at ang taya ay nakaabang. Tapos magtatakbuhan ang mga manlalaro sa magkabilang bilog. Kahit saan nila gusto. Kung saan may mas maraming tao, doon pwedeng manaya ang taya. Kaya "gusto ko malaman" di ba? Gets na? Korni ba? Kung oo, type 1 at kung hindi, type 2, at kung wala kang masabi, type gutom na ako at i-send sa 123459876. Hahaha! Biro lang! Lalong kumorni! Hahaha! Blaik tayo sa laro. Kung may nataya na edi magpapalit, ganoon ulit paulit-ulit lang. Yung unang pagbabago ay isang paa na lang pwedeng gamitin ng mga hindi taya at ang isa pa ay may pataas na linya na sa gitna ng mga bilog. Pwede na doong pumunta ang taya. Pwede rin pa lang mang-boom kung lumabas ang manlalaro at bumalik ulit sa bilog. O diba? Medyo exciting! Haha! Self-promotion talaga ito! Hahaha!

     Tulad ng sabi ko kanina, kitang-kita ko yung mga ngiti at tawa ng mga manlalaro hindi lang sa mismong laro kundi sa pangalan din ng laro. Mukha namang na-excite sila. May mga patalon-talon pa nga. Natatawa ako kapag akala ng taya makakataya na siya pero hindi pa pala kasi iyon na pala yung grupong mas kaunti. Hahaha! Epic Fail! Marami ring lumalabas ng bilog at prino-provoke yung taya para sila habulin. Astig nga yung ganoong taktika. Ang tapang! Natapos yung laro sa isang malaking laro. Pinagsama na yung dalawang playing area (pasensya na kung nakalimutan kong ilagay na dalawa kasi depende naman sa bilang). Grabe ang gulo na pero masaya pa rin.

     Dahil sa natawa ako kay Sam habang naglalaro, siya ang MVP. Ang likot kasi! Hahaha!

     Syempre dahil report namin ito, hindi na ako maglalagay ng variation at saka invented game  ito kaya wala akong maibibigay ng childhood memory nito. Pasensya na.

     Bagay na titulo sa larong ito ay Walang-Taong-Ayaw-Sa-Malaman-Sa-Pagkain-At-Sa-Paglaro Award. Grabe ang haba! Hahaha!

No Name (Human Chess: The Alternative Edition): Isang Larong Hindi Maganda Kapag Ikaw Ang Babantayan

     Isa itong invented game. Walang pangalang naisip yung reporters kaya naisip ko ay "Human Chess: The Alternative Edition". Naks! Parang libro lang! Hahaha! Noong una kong marinig yung mechanics, naisip ko agad "Wow! Human Chess!" Mukha nga ganoon kasi pero may mga twist lang. Wala yung ibang pieces at may llives yung mga pieces sa pamamagitan ng mga papel. Asul sa isa at pula sa isa pa. May anim na parang pawn pieces na may one life at may 3 knight pieces na may 2 lives. Ang goal ay matnggal ang korona ng king este queen pala kasi babae. Pero may bantay ang queen. Ito ay ang bishop pieces. dalawa at invulnerable sila. Ibig-sabihin hindi sila matatanggal sa laro. Pwede matanggal ang ibang pieces sa pamamagitan ng pagkuha lang ng mga papel. Syempre bawal ilagay ang papel kung saan-saan. May mga assigned areas naman. Sa mga pawns, sa likod. Kahit saan sa likod pero sa taas lamang ng bewang. Sa mga knights naman, sa magkabilang balikat. Sa simula ng laban, magkaharap ang mga manlalaro. Sa harap ang pawns, sa likod nila ang knights, at sa pinkalikod ay ang queen at bishops. Nakatali nga pala ang queen sa bishops at ito ay sa mga binti nila.

     Grabe ang saya nito. Masasabi kong isa ito sa mga pinaka-brutal na laro. Nakakatawa yung paraan ng pagtago at pagkuha nga mga papel na kasing laki lang ng 1/4 ng yellow pad. May nagtatago sa ilalim na damit. May nakita pa nga akong nasa kilikili. Hahahaha! Ano na kayang amoy noon? Biro lang. Hahaha! Sa pagkuha nung mga papel, kitang-kita yung pagkagigil. Grabe ang daming makikitang punit-punit o lukut-lukot na mga papel. Sobra rin yung pagprotekta sa papel pa lang. Yakap-yakap na ng mga manalalaro yung papel. Mas malala naman sa pagprotekta ng queen. Naaawa nga ako kasi parang na-ha-harass na siya. Kaya hindi na ako nagtangkang kunin ng buong pwersa ko yung korona. Sa huli, pantay ang kinalabasan (pantay nga ba? Hindi ko na maalala! Ang saya kasi!. 

     Sa pagmasid-masid ko sa playing area, napansin ko agad si Neshi. Ang galing niyang magprotekta. Niyakap niya yung queen! Hahahahaha! Ang sweet! Yikee! Hahaha! Talagang todo yakap siya. Siya ang masasabi kong "Absolute Impenetrable Iron Curtain Wall Defense". Grabe ang haba! Hahaha!

     Kung ako ang gagawa ng variation, gagawin kong isang hari at isang reyna. Kaya dalawang korna na ang kukunin ng bawat grupo. Isa pang variation ay isang paa na lang ang gamit ng mga manlalaro. Grabe ini-imagine ko ang pagkadapa ng maraming manalalaro. Pero siguradong enjoy naman sila! Hahaha!

     Syempre dahil invented game ito, hindi ko ito nalaro noong bata ako. Pero naisip ko na "Paano kaya kung naisip namin ito noong bata pa ako?" Grabe sugat-sugat lagi ako pag-uwi kung ganon!

     Dahil sa nature ng larong ito, ginagawaran ko ito ng titulong Walang-Hindi-Masasagutan-Sa-Paglaro Award. Kahit hindi naman lahat talaga nasugatan, tingin maraming nasaktan. Ang brutal kasi! Hahaha! Pero ang saya!    

Dr. Quack-Quack: Isang Larong Hindi Maganda Kapag Kaunti

     Siguro alam naman ng lahat kung anong larong ito. Isa ito sa mga larong siguradong nalaro ng mga tao noong mga bata pa sila. Ang larong ito ay nangangailangan ng isang taya na siyang magiging doctor, Dr. Quack-Quack. Hindi naman niya kailangang mag-quack ng mag-quack. Ang ibig sabihin lamang ay isa siyang albularyo. Siya ang magtatanggal ng buhol sa isang grupo ng mga taong nakabilog at binuhol ang kanilang mga sarili ayon sa paraang gusto nila. Masakit nga ito ngunit ang sayang katapat ay hindi mapapatayan. Pagkatapos matanggal ang buhol, magtatakbuhan ang mga manalalaro hanggang mataya.

     Napakasaya ng pagbuhol namin. Kitang-kita ko ang pamumula ng aming mga braso at pagpigil sa sakit sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. Biro lang. Hindi naman masyadong ganoon ang nangyari. Namula nga ang braso namin ngunit dahil sa pagkiskiskisan ng mga braso. Ang talagang sumakit ay ang mga kamay. Doon kasi bumabaliko at doon din bumubo ng buhol. Kung saan-saan na tumalon ang manlalaro. Mayroong sa ulo, sa braso, at iba pang bahagi ng ktawan. Mayroon din akong nakita sumuot sa ilalim. Nang tinawag namin si Dr. Quack-Quack, Nagulat siya sa pagkabuhol namin. Hahahaha! Pero kahit ganoon, ang bilis niya kaming naayos. Doctor nga talaga siya. At iyon nagtakbuhan na kami. nang magkaroon ng pagbabago, Ang bilog ay binubuo na ng mga manalalarong nakaharap tapos nakatalikod at nakaharap ulit. Muli, magkakahawak sila ulit ng kamay. Grabe dito na nagkaroon ng lituhan. Hahaha! Hindi na alam kung tama na o hindi kaya inabot ng oras at nag-whistle si Ma'am. Ayon! Takbuhan na! Hahahaha!

     Kung tama ang pagkakaalala ko si Ronmark yung pinakamabilis na nakatanggal ng pagkabuhol namin. Kaya siya ang ang sinasabi kong pinakamagaling na Dr. Quack-Quack. Syempre kami naman ang pinakamagaling na gumawa ng "sakit". Hahahaha!

     Kung pwede ko mang baguhan ang laro, ang gagawin ko ay dapat nag-qua-quack na yung doktor! Hahahaha! Biro lang. Pwede na dapat na ilagay kung saang bahagi ng katawan ilagay ang kamay ng mga manalalaro. Pwedeng sa buhok, pwedeng sa paa, pwedeng sa damit, at sa iba pang gusto nila. Pero wag lang sana magkasakitan. Syempre ipapakita muna sa doktor kung ano ang posisyon nila noong una. Ay isa pa, pwede rin sanang gumawa ulit ng buhol ang mamanalalro habang tinatanggal ng doktor ang ibang buhol. Pero may tagabantay, Isang buhol lamang kada tao o kaya kada magkatabi. Medyo mahirap. Hahaha! Pero mukhang astig!

     Noong bata ako nilalaro namin ito halos araw-araw. Ang saya kasi! Lalo na kapag napapakamot na ng ulo ang mga tayang doktor at nagkakayamutan na. Hindi pa rinmatatawaran yung biruin at tawanan pagkatapos ng nasabing laro.

     Karapat-dapat itong bigyan ng award dahil astig ito. At ito ay Walang-Madaling-Paraan-Sa-Paglaro Award. Mahirap nga naman talga siya. lalo na't marurunong ng gumawa ng mga stratehiya ang mgam analalaro. Hahahaha! Ang saya!

Monday, January 24, 2011

Buwal Pari: Isang Laro Matitig

     Ang larong ito ay iba sa mga naunang laro. May kanya-kanya ng mga grupo na binubuo ng apat na mga miyembro. Sa loob na lang ng mga grupo ang labanan. Para itong pick-up sitcks pero posporo naman ang gamit. Kaya naging mahirap ang paglalaro dito. Ganoon din ang patakaran dito. Kung ano ang target o puntirya mo, yung lang yung pwedeng galawin. Mayroon ding sacrifice. Guguluhin yung kumpol ng posporo para kumalat at mas madaling kumuha ng posporo. Paramihan ng nakuhang posporo ang nangyayari sa huli.

     Kahit na nakaupo lang kaming apat. Naging masaya naman. Nag-iingay kami para mawala ag concentration ng isa at tinititigan naming maigi yung mga galaw ng kalaban para mas mapuna na nagkamali sila. Hahahaha! Grabe ang competitive talaga ng mga manlalaro. Kahit sa ibang grupo, nakakikita ko yung mga seryosong mukha ng mga taong turn na nila. Iniisip ko na karapat-dapat bigyan ng premyo yung mga seryosong-seryoso. Hahaha! Sa mga babae kapag hindi pa nila turn, nagtitiliin (yung iba lang) sila. Kaya medyo nakakagulo rin. Hahaha!

     Sa pagtatapos ng laro, nagbilangan na ng posporo. Natalo ako. Malas kasi wala na laging pwedeng makuha kapag turn ko na. Buti pa yung mga kalaban ko laging may nakukuha. Tapos buti na lang at may mag-sacrifice kaya nakakuha ako ng ilan. Hahaha! Sa aming apat, si Justin yung may pinakamaraming nakuha. May taktika kasi siya. Kahit yung mga mahirap kunin, nakukuha niya.

     Kung pwede ko lang baguhin yung laro, Gagawin ko ng pwedeng dalawa yung target mo para mas madali. At ang isa pa ay nag-sacrifice ka, pwedeng tumira ka pero divided by two yung mga makukuha mo. O di ba, mas madali na talaga yung laro at naging medyo mas exciting pa.

     Nakapaglaro na ako nito noong bata pa ako pero pick-up sticks talaga yun. Tapos naalala ko pa na kapag wala kaming normal na pick-up sticks, sanga ng puno ginagamit namin. Hahaha! Nakakatawa talaga.

     Dahil sa mga nangyari sa laro, gagawaran ko ng award na Pinakamasakit-sa-Mata Award ang larong ito. Kasi kailangang titig na titig ka sa mga posporo. Sumakit talaga ng kaunti yung mata ko. Malas na lang siguro ynug mga napuwing. Hahaha!

Batuhang Tao: Isang Larong Mabilis

     Tulad ng larong bago nito, kilala rin ito ng lahat pati na rin ng mga tao sa ibang bansa. Ito kasi yung larong dodgeball sa Ingles. Tulad ng nakasanayang mga patakaran, ang larong ito ay binubuo muli ng dalawang grupo. Isang grupo ang mamamato ng bola (ngunit ginawa na lang itong medyas na may mga panyo sa loob ni Ma'am) at ang isang grupo naman ay iiwas. Kapag natamaan ang isang manlalaro, out na siya o tanggal na sa kasalukyang laro. Pero pwede sila ulit buhayin sa pamamagitan ng pagsalo ng bola ng mga natitirang manlalaro.

     Naging maaksyon ang paglalaro namin. Kahit minsan natatagalan sa pagpulot ng bola, mabilis pa rin ang pagbato. Nakakatawa yung mga tiliin ng mga kaklase ko.Napakasaya kapag grupo mo yung taya pero kapag kayo yung babato, medyo boring na. Habang patagal ng patagal nadadagdagan yung bola pero nagkakaroon din ng taktika ang mga manlalaro. Medyo matagal din kaming naglaro.Tatlo o apat na beses pa ata namin itong nilaro. Tuwang- tuwa kasi kami. Hahaha! Grabe talaga yung mga tiliin habang umiiwas. Tapos noong umiiwas din paunti-unting nagpuntahan sa hagdan yung iba. Nakakatawa din yung iba't ibang klase ng pag-iwas at pagsalo sa bola. May tumatalon, may lumuluhod, at mayroon ding di sinasadyang makasalo. Hahaha! Nakakatawa rin yung ibang natamaan na. Nagiging double dead sila kasi natatamaan ulit sila. Hahaha!

     Ang kinalabasan ng laro ay karamihan sa laro ay panalo ng aming grupo. Kasi magagaling kami hindi lang sa pag-iwas pati sa tilian. Hahaha! Kapansin-pansin talaga yung kagalingan sa pagsalo ng bola ni James. Mas marami siyang nasalong bola kaysa sa akin. Dahil din sa pagkakasalo ng maraming beses sa bola, Nagkaroon kami ng extra lives. Ano to? Mario? Hahaha! Pagkaabot sa one extra life left, nadadagdagan ulit. Umabot pa nga ng sampu. Hahaha!

     Kapag binigyan ako ng pagkakataong baguhin ang laro,  gagawin kong iba-iba yung bola para may thrill na konti sa pagsalo.Tapos dapat dalawang beses masasalo yung bola para makapagligtas ng iisang kakampi.

     Madalas din namin itong nilalaro ng mga kaibigan ko noong mga bata pa kami. Iba-ibang klase ng bola yung ginamit namin. Mula sa bola ng basketbol hanggang sa jolen. Hahaha! Naalala ko tuloy yung sakit kapag natamaan ka ng jolen. Hahaha!

     Dahil sa medyo masakit sa binti ang larong ito, ang award na ibibigay ko dito ay Pinakamasakit-sa-Binti Award. Kahit hindi masyadong masakit yung akin. Mukhang nasakitan naman yung iba kasi nahihirapan na silang umilag. O sadyang tinatamad na sila. Hahahaha!