Ta~da~da~dan~! Ito ang invented game namin nina Ronmark, Trixie, Justin, at James. Syempre proud ako dito! Ang yabang no? Hahaha! Pero hindi talaga ito yung na pangalan, ang tunay na pangalan ng laro ay "Tinimbang Ngunit Kulang Pero Dahil Kulang Hindi Kita Hahabulin". Parang teleserye lang! Hahaha! Originally at initially, si Ronmark ang nakaisip ng laro. Pagkatapos kami nagdagdag ng mga palabok sa laro. (Hmmm~, walang kalamansi? Haha!) Kahit na hindi ako nakapaglaro nito, masasabi kong gusto ko pa rin ito kasi kitang-kita ko yung mga ngiti at tawa ng mga kaklase ko. Ang mechanics ay may dalawang bilog at may linya pahalang nagdidikit sa kanila. Sa una ang mga manlalaro ay nasa pahalang na linya at ang taya ay nakaabang. Tapos magtatakbuhan ang mga manlalaro sa magkabilang bilog. Kahit saan nila gusto. Kung saan may mas maraming tao, doon pwedeng manaya ang taya. Kaya "gusto ko malaman" di ba? Gets na? Korni ba? Kung oo, type 1 at kung hindi, type 2, at kung wala kang masabi, type gutom na ako at i-send sa 123459876. Hahaha! Biro lang! Lalong kumorni! Hahaha! Blaik tayo sa laro. Kung may nataya na edi magpapalit, ganoon ulit paulit-ulit lang. Yung unang pagbabago ay isang paa na lang pwedeng gamitin ng mga hindi taya at ang isa pa ay may pataas na linya na sa gitna ng mga bilog. Pwede na doong pumunta ang taya. Pwede rin pa lang mang-boom kung lumabas ang manlalaro at bumalik ulit sa bilog. O diba? Medyo exciting! Haha! Self-promotion talaga ito! Hahaha!
Tulad ng sabi ko kanina, kitang-kita ko yung mga ngiti at tawa ng mga manlalaro hindi lang sa mismong laro kundi sa pangalan din ng laro. Mukha namang na-excite sila. May mga patalon-talon pa nga. Natatawa ako kapag akala ng taya makakataya na siya pero hindi pa pala kasi iyon na pala yung grupong mas kaunti. Hahaha! Epic Fail! Marami ring lumalabas ng bilog at prino-provoke yung taya para sila habulin. Astig nga yung ganoong taktika. Ang tapang! Natapos yung laro sa isang malaking laro. Pinagsama na yung dalawang playing area (pasensya na kung nakalimutan kong ilagay na dalawa kasi depende naman sa bilang). Grabe ang gulo na pero masaya pa rin.
Dahil sa natawa ako kay Sam habang naglalaro, siya ang MVP. Ang likot kasi! Hahaha!
Syempre dahil report namin ito, hindi na ako maglalagay ng variation at saka invented game ito kaya wala akong maibibigay ng childhood memory nito. Pasensya na.
Bagay na titulo sa larong ito ay Walang-Taong-Ayaw-Sa-Malaman-Sa-Pagkain-At-Sa-Paglaro Award. Grabe ang haba! Hahaha!
No comments:
Post a Comment