Thursday, March 17, 2011

Sambunot: Isang Larong Hindi Masaya Kapag Hindi Ikaw Ang Napiling Kumuha

     Ang larong ito ay kilala ngunit hindi ng nakakarami. Masasabing ito ang pinakabrutal na laro sa kasaysayan ng Philippine Games kasi agawan ito ng bunot pero hindi ng buko! May dalawang grupo na parehas ang bilang at may i-a-assign na bilang sa bawat miyembro. Nakaharap ang dalwang grupo sa isa't isa at magkakatabi ang mga magkakagrupo. Kapag natawag ang bilang, kailangang magpaunahang madala ang bunot pabalik ng sariling mga bases.

     Grabe talaga ang pagkabrutal ng larong ito. Lalo na kapag maraming bilang ang tinawag. Magugulat ka na lang na may walo o higit pang mga taong nag-aagawan sa bunot. Para sa bunot lang! Hindi ko nga inakala na mas magiging intense yung pag-aagawan ng mga babae kaysa sa lalake. Nung nagkaroon naman ng variation, nagmukhang basketball game yung sa mga lalaki kasi kapag nakuha ng ng isang manlalaro ang bunot hini na ito pwedeng makuha pa ng kabilang grupo kung hawak ito ng nasabing manalalaro. Pwede lamang maagaw ang bunot kapag nasa ere ito. Kahit sobrang brutal at intense yung laro, masaya pa rin!

     Sa mga manlalaro, kapnsin-pansin si Justin. Lalo na ng variation na. Parang nag-babasketbol lang siya. Hahahaha! Yun nga lang walang dribble at ring. Hahaha!

     Kung may pagkakataon akong baguhin yung laro, gagawin kong tatlongb unot na phlos aprehas ang mga hitsura. Tapos isa sa mga ito ay may papel sa ilalim na magsasabing ito ang tunay na bunot. Magiging mahirap ito kasi baka biglang maagawan sila sa bunot na walang puntos at tapos yung tunay na bunot ay tumalsik na sa labas ng playing area. Hahahaha!

     Karapat-dapat bigyan ng titulong Walang-Takas-Sa-Pagkasira-Ang-Bunot-Sa-Paglaro Award. Akala ko nga mahahati sa dalawa yung bunot. Haha!

3 comments:

  1. Hi po. Can I ask something? Ahm, gusto ko langpo malaman kung ano ung rules sa Larong SAMBUNOT. Thank You po and God bless ^____^

    ReplyDelete
  2. Hello! Sa larong Sambunot, divided into two teams ang mga players. Kahit ilan ang players. Lakihan na lang yung boundaries depende sa dami ng players. May isang extrang tao na magsasabi ng mga numbers (explained sa next paragraph). May bases for each time. Nakapila side by side ang bawat player ng team sa boundary ng base nila at nakaharap sa players ng kabilang team. Sa gitna ng bases ay ang bunot na pag-aagawan.

    Bawat player ng team ay may naka-assign na number. Kapag natawag ang number na naka-assign sa mga players, paunahan silang magkukuhaan ng bunot. Maaaring magbigay ng signal. Example ay sasabihin muna ang mga number na mag uunahan, kunwari "1, 6, 7, at 9" (Kahit ilang tao pwede mag-agawan , depende na sa magtatawag). Pagkatapos ng pagsabi ng mga number na mag-uunahan saka lang sasabihin ang "1, 2, 3, GO!". May puntos lamanag kapag naibalik na sa base ang bunot. Pwedeng agawin yung bunot kahit hawak na ng kalaban.

    Pwedeng magharangan ang mga players. May offense at defense teams na parang basketball lang.

    May twist yung game na medyo mapisikal. Kapag nakuha ng isang player ang bunot, pwedeng gawin ng kalabang player na higitin o dalhin mismo yung may hawak ng bunot papunta sa base niya.

    Nagdagdag kami ng twist sa game, bawal kunin yung bunot sa kalaban pag hawak niya. Pwede lang kunin o maagaw kapag binato niya to sa ere. Mas naging challenging yung game nung ginawa namin to.

    Masaya yung game lalung-lalo na kapag nagisstrategize since team game ito.

    Pwede ring kayong mag-add ng other twists or variations tulad ng nasabi ko sa taas na may tatlong bunot pero isa lang talaga yung magbibigay ng puntos.

    ReplyDelete
  3. Hello po! Magpapaalam lang po ako kung pwede naming gamitin sa isang school game yung inyong idea na tatlong bunot?

    ReplyDelete