Thursday, March 17, 2011

Dr. Quack-Quack: Isang Larong Hindi Maganda Kapag Kaunti

     Siguro alam naman ng lahat kung anong larong ito. Isa ito sa mga larong siguradong nalaro ng mga tao noong mga bata pa sila. Ang larong ito ay nangangailangan ng isang taya na siyang magiging doctor, Dr. Quack-Quack. Hindi naman niya kailangang mag-quack ng mag-quack. Ang ibig sabihin lamang ay isa siyang albularyo. Siya ang magtatanggal ng buhol sa isang grupo ng mga taong nakabilog at binuhol ang kanilang mga sarili ayon sa paraang gusto nila. Masakit nga ito ngunit ang sayang katapat ay hindi mapapatayan. Pagkatapos matanggal ang buhol, magtatakbuhan ang mga manalalaro hanggang mataya.

     Napakasaya ng pagbuhol namin. Kitang-kita ko ang pamumula ng aming mga braso at pagpigil sa sakit sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. Biro lang. Hindi naman masyadong ganoon ang nangyari. Namula nga ang braso namin ngunit dahil sa pagkiskiskisan ng mga braso. Ang talagang sumakit ay ang mga kamay. Doon kasi bumabaliko at doon din bumubo ng buhol. Kung saan-saan na tumalon ang manlalaro. Mayroong sa ulo, sa braso, at iba pang bahagi ng ktawan. Mayroon din akong nakita sumuot sa ilalim. Nang tinawag namin si Dr. Quack-Quack, Nagulat siya sa pagkabuhol namin. Hahahaha! Pero kahit ganoon, ang bilis niya kaming naayos. Doctor nga talaga siya. At iyon nagtakbuhan na kami. nang magkaroon ng pagbabago, Ang bilog ay binubuo na ng mga manalalarong nakaharap tapos nakatalikod at nakaharap ulit. Muli, magkakahawak sila ulit ng kamay. Grabe dito na nagkaroon ng lituhan. Hahaha! Hindi na alam kung tama na o hindi kaya inabot ng oras at nag-whistle si Ma'am. Ayon! Takbuhan na! Hahahaha!

     Kung tama ang pagkakaalala ko si Ronmark yung pinakamabilis na nakatanggal ng pagkabuhol namin. Kaya siya ang ang sinasabi kong pinakamagaling na Dr. Quack-Quack. Syempre kami naman ang pinakamagaling na gumawa ng "sakit". Hahahaha!

     Kung pwede ko mang baguhan ang laro, ang gagawin ko ay dapat nag-qua-quack na yung doktor! Hahahaha! Biro lang. Pwede na dapat na ilagay kung saang bahagi ng katawan ilagay ang kamay ng mga manalalaro. Pwedeng sa buhok, pwedeng sa paa, pwedeng sa damit, at sa iba pang gusto nila. Pero wag lang sana magkasakitan. Syempre ipapakita muna sa doktor kung ano ang posisyon nila noong una. Ay isa pa, pwede rin sanang gumawa ulit ng buhol ang mamanalalro habang tinatanggal ng doktor ang ibang buhol. Pero may tagabantay, Isang buhol lamang kada tao o kaya kada magkatabi. Medyo mahirap. Hahaha! Pero mukhang astig!

     Noong bata ako nilalaro namin ito halos araw-araw. Ang saya kasi! Lalo na kapag napapakamot na ng ulo ang mga tayang doktor at nagkakayamutan na. Hindi pa rinmatatawaran yung biruin at tawanan pagkatapos ng nasabing laro.

     Karapat-dapat itong bigyan ng award dahil astig ito. At ito ay Walang-Madaling-Paraan-Sa-Paglaro Award. Mahirap nga naman talga siya. lalo na't marurunong ng gumawa ng mga stratehiya ang mgam analalaro. Hahahaha! Ang saya!

No comments:

Post a Comment